Lalagyan na ng “timbangan ng bayad center” ang lahat ng palengke sa bansa upang protektahan ang mga mamimili laban sa mga mandarayang tindero.
Ito ay makaraang aprubahan ng House Committee on Appropriations ang probisyon sa panukalang batas na naglalaan ng pondo para masiguro ang katapatan sa mga palengke sa pamamagitan ng mga timbangan na patas.
Nakasaad sa panukala na ang mga “market supervisor” ang mangangasiwa sa mga produktong matutuklasang hindi tama ang timbang pati ang establisyemento kung saan binili ang produkto at may-ari.
Mahaharap naman mula isa hanggang limang taong pagkakakulong ang mga mahuhuling mandaraya at pagmumultahin ang mga ito mula limampung libong piso hanggang isang milyong piso.
—-