Kinumpirma ni Office of the Press Sec. OIC Usec. Cheloy Garafil ang pagkakatalaga kay dating Supreme Court Justice Dante Tinga bilang chairman ng Development Bank of the Phils. (DBP).
Sa isang appointment paper, ipinagkakatiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Tinga ang nasabing puwesto sa DBP.
Ayon kay Garafil, nanumpa na rin sa tungkulin si Tinga sa harap ni Executive Sec. Lucas Bersamin.
Si Tinga ay naging associate justice ng kataas-taasahang hukuman mula 2003 hanggang 2009.