Ayon kay DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, Mayo a-2 pa lamang ay sinimulan na nila ang pag-monitor sa power situation para siguruhing stable at reliable na suplay sa lalo na sa mismong araw ng eleksyon.
Aniya, nakipagtulungan na rin sila sa mga grid operator, National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), power generation companies at distribution utilities sa power situation monitoring.
Maliban dito, nakipag-ugnayan na rin ang Energy Task Force on Election sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard para i-secure ang power facilities sa mga lugar na idineklarang danger zones ng COMELEC.