Mahigit 1,200 sasakyan ang lumabag sa unang araw ng dry run para sa High Occupancy Vehicle Scheme o carpooling lane sa EDSA.
Sa ilalim ng traffic scheme, tanging mga sasakyang may dalawa o higit pang sakay ang maaaring dumaan sa innermost o panlimang lane sa edsa.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Assistant General Manager Jojo Garcia, bagaman wala munang hinuli, nakuhanan naman ng video ang mga sasakyan na pumasok sa hindi nila lane.
Aminado naman si Garcia na sa halos 4,000 dumaan sa HOV lane kahapon ay hindi nila masipat kung ilan talaga ang nakasakay lalo’t karamihan sa mga sasakyan ay tinted ang salamin.