Mapanganib umano para sa mga sibilyan ang tinuran ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapahintulot sa mga pulis at militar na gamitin ang lahat laban sa NPA o New People’s Army.
Ayon sa international group na Human Rights Watch, maaaring madamay ang mga sibilyan sa layong pagganti ng mga tropa ng gobyerno para sa umano’y pagpatay ng mga miyembro ng NPA sa 4 na pulis sa Lanao del Sur.
Matatandaang nagdeklara si Pangulong Duterte ng gera kontra npa.
Wala pa naman aniyang usapang pangkapayapaan kaya hinayaan niyang makipagdigma ang mga pulis at militar sa mga rebeldeng komunista.
By Avee Devierte