Hindi dapat makihati sa tip ng kanilang mga kustomer para sa mga empleyado ang management ng mga establisyemento.
Ito ang binigyang diin ni Senador Joel Villanueva kaya’t isinusulong nito ang pag-amyenda sa Article 96 ng Labor Code sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 1299.
Batay sa Labor Code, iniuutos na ibigay sa mga empleyado ang walumpu’t limang porsyento (85%) ng nakokolektang service charge at tips mula sa mga kustomer ng mga hotel, restaurant at iba pang kahalintulad na establisyemento.
Samantalang labing-limang porsyento (15%) naman ang napupunta sa management.
Subalit, ayon kay Villanueva, dapat lamang na mapunta ang isang daang porsyento (100%) ng mga tip at service charge ng mga kustomer sa mga empleyado.