Natagpuang patay ang isang opisyal ng Technological Institute of the Philippines (TIP) at ang drayber nito sa loob ng isang sasakyan sa isang gasoline station sa Pandacan, Maynila.
Napansin ng security guard na matagal nang naka-park ang sasakyan sa gasolinahan kaya’t tinawag na nito ang barangay upang mabuksan ang sasakyan.
Kinilala ang biktimang si retired Colonel Reynaldo Chinjen Vice President for External Affairs ng nasabing unibersidad habang ang driver naman ay si Claudio Flojo.
Tinitignan ang anggulong foul play at suffocation sa nangyaring insidente.
By Rianne Briones