Mainitin ba ang inyong ulo o madalas kang magalit?
Kung madalas kang manigaw, hindi mamansin ng mga tao, makipag-away, manira ng mga gamit, at saktan ang sarili, narito ang ilang tips upang makontrol ang iyong anger problems:
Una, huminto. Pag-isipan nang mabuti ang gagawing reaksyon sa pamamagitan ng mabagal na pagbibilang mula isa hanggang sampu.
Pangalawa, lumayo. Huminga muna nang malalim at hintaying kumalma ang sarili bago magbitiw ng mga salita at gumawa ng aksyon.
At pangatlo, unawain ang dahilan ng iyong pagkagalit.
Bukod sa mga nabanggit, nakatutulong din ang pag-eehersisyo, pagpapahinga, at pagpapatawad upang makontrol ang galit. —sa panulat ni John Riz Calata