Tag-init na naman! Ngayong dry season, mahalagang bigyang-pansin ang kalusugan ng ating balat; dahil ang pagsadsad ng temperatura ay maaaring magdulot ng iba’t ibang skin diseases.
Ang labis na pagkatuyo ng balat dahil sa init ay nagpapahina sa natural na proteksyon nito, na nagiging sanhi ng pagiging “prone” Nito sa impeksyong kumakapit.
Ilan sa mga karaniwang kondisyon sa balat na maaaring lumitaw sa panahon ng tag-init ay ang “bacterial infections”, “prickly heat” o “bungang-araw” at “dermatitis”.
Mahalagang hakbang para makaiwas sa mga komplikasyong ito ay ang pagkakaroon ng “proper hygiene”.
Ayon kay Dr. Frances Ordonez ng Quezon City Health department, ang paggamit ng moisturizer ay maaaring makatulong sa pagpapanatili ng hydration ng balat.
Kaugnay nito ay patuloy naman ang paalala ng Department of Health sa publiko na palaging manatiling hydrated at hangga’t maaari ay iwasan ang direktang exposure sa araw upang makaiwas sa iba’t ibang skin diseases ngayong tag-init. —sa panulat ni Jasper Barleta