Para sa mga madalas mahilo sa biyahe lalo na yung papasok at pauwi ng trabaho, narito ang tips para sa inyo;
- Tumingin lang sa malayo para malibang ang mata at isip. Huwag magbasa o mag-text.
- Panatilihin ang ulo na naka-diretso, habang nakasandal.
- Huwag manigarilyo at huwag umupo sa tabi ng taong naninigarilyo.
- Huminga ng maraming sariwang hangin.
- Iwasan ang maaanghang at mamantikang pagkain at alak. Huwag kumain ng sobra.
- Uminom ng over-the-counter na gamot kontra sa hilo gaya ng Meclizine tablet.
Pero kung hindi pa rin ito sapat, gawin ang mga sumusunod;
- sa Barko: I-request sa cabin crew na payagang maka-upo sa harapan o gitnang bahagi ng barko, o sa itaas ng deck.
- sa Eroplano: Magtanong kung maaari kang payagan na ma-upo sa gawing harapan at sa gilid ng pakpak nito. I-direkta ang aircon sa iyong mukha.
- sa Tren: kumuha ng upuan na malapit sa harapan at tabi ng bintana. Kailangan nakaupo ka ng paharap at hindi talikod.
- sa mga Kotse at Bus: Maupo sa gawing harapan sa tabi ng driver.