Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng mental health issues sa bansa, marami ang nakakaranas ng stress, anxiety at depression.
Narito ang ilang paraan upang matugunan ang stress, anxiety at depression:
Karaniwang sintomas ng mga nasabing kondisyon ay ang labis na pag-aalala, hirap sa pagtulog, at kawalan ng gana sa mga dating hilig gawin.
Dahil dito, iminumungkahi ng mga eksperto ang pagkakaroon ng sapat na tulog, regular na pag-e-ehersisyo, mindfulness, at bukas na pakikipag-usap bilang pangunahing hakbang sa pangangalaga sa mental health.
Pinapaalalahanan rin ang publiko na agad humingi ng tulong sa mga doktor kung naapektuhan na ang pang-araw-araw na buhay o kung minsan ay naiisipang saktan ang sarili dahil sa labis na pag-iisip.—sa panulat ni John Riz Calata