Para sa mga madalas umutot o laging may hangin sa tiyan.
Ang utot ay nabubuo kapag ang iyong digestive system ay hindi pa lubusang natutunaw ang pagkain.
Ang iba pang pinagmumulan ng utot ay ang pagbabago ng intestinal bacteria dahil sa gamot, ang paglunok ng hangin at constipation o pag-titibi.
Kaya narito na ang tips para mabawasan ang sobrang hangin sa tiyan:
- Bawasan ang mga pagkaing nagpapa-utot sa iyo. Tigil ang softdrinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
- Pansamantala munang itigil ang pagkain ng mataas sa high fiber. Ibalik na lang pakonti-konti paglipas ng ilang linggo.
- Umiwas sa mamantikang pagkain.
- Kumain ng mabagal. Ang pagkain ng mabilis ay nakasasama sa pagtunaw o digestion natin.
- Ang pag e-ehersisyo ay maganda sa tiyan. Maglakad-lakad sandali para bumaba ang kinain mo.