Posibleng dala lamang ng galit ang naging banta ng Pangulong Rodrigo Dutere na ipapakulong ang mga senador kapag may ipina-contempt na miyembro ng gabinete.
Ayon ito kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kaya’t hindi siya nababahala sa nasabing banta ng Pangulong Duterte.
Sa pinakahuling Talk to the people, sinabihan ng pangulo ang mga miyembro ng gabinete na tumindig at igiit sa mga senador na huwag silang sigawan at kapag ito ng mga mambabatas ay pina-contempt, ipapakulong daw niya ang mga senador.
Kasabay nito, sinagot ni Sotto ang mungkahi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magkaroon ng adjustment ang Senate Blue Ribbon Committee sa paraan ng pag iimbestiga.
Binigyang diin ni Sotto na batay sa rules ng Senado, ang chairman ng komite ang nagpapairal ng patakaran at kung mayroon anyang reklamo sa takbo ng pagdinig ng blue ribbon committee, posible itong pag aralan ng rules committee para maresolba. —mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)