Walang dapat ikatakot ang sinuman na magtungo sa Pilipinas kung hindi naman drug pusher o drug user.
Reaksyon ito ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III sa ginawang pagkansela ni five-time Grammy Award Winner James Taylor sa nakatakda sana nitong concert sa bansa sa Pebrero 2017 dahil sa pangamba sa isyu ng extra judicial killings.
Iginiit ni Sotto na walang basehan ang pahayag ni Taylor at pagpapakita lang ito kung paano ang iligal na droga ay kinukunsinti sa Estados Unidos.
Sa kanyang twitter account, sinabi ni Taylor na ang pagkalat ng iligal na droga ay worldwide problem.
Binanggit din Taylor ang umano’y mga kaso ng summary execution sa mga drug suspect sa Pilipinas kung saan wala raw judicial process.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno