Napasakamay ng edad 113-taong gulang na lalaki mula sa Venezuela ang titulong pinakamatandang lalaki na nabubuhay sa mundo.
Kinilala ang lalaki na si Juan Vicente Perez Mora, na nagdiwang ng kaniyang ika-113 taong kaarawan kahapon.
Taong 1909 ipinanganak si Mora sa El Cobre, Venezuela na mayroong 18 apo, 41 apo sa tuhod o great-grandchildren at 12 apo sa talampakan o great-great-grandchildren.
Ang titulong World’s Oldest Man Living ay dating hawak ni Saturnino De La Fuente García na mula sa Spain.
Pero pumanaw si Garcia noong Enero sa edad na 112 taong gulang.
Ang “World’s Oldest Living Person” naman ay hawak ni Lucile Randon, edad 118 taong gulang mula sa France.