Nanatili ang tiwala ng Department of Health (DOH) kay Baguio City at tracing czar Benjamin Magalong.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing matapos na magsumite ng resignation letter si Magalong sa COVID-19 Task Force.
Ayon kay Vergeire, naging malaki ang papel ng opisyal sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 at sa bagong variant nito.
Kaya’t ani Vergeire, mananatili pa ring tracing czar si Magalong at gagampanan ang tungkulin nito sa task force.