Bumaba ang tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tumaas naman ang kay Vice President Sara Duterte, sa unang quarter ng 2025.
Ito ay batay sa survey na inilabas ng Publicus Asia Inc., kung saan bumaba sa 14% ang trust rating ni Pangulong Marcos mula sa nakaraang 23%.
Kasabay nito, tumaas sa 63% ang distrust rating ng pangulo.
Samantala, mula sa dating 31%, sumirit sa 39% ang trust rating ni VP Sara at nananatili pa rin sa 39% ang kanyang distrust rating.
Bumagsak naman ang suporta ng publiko sa Marcos administration na ngayon ay 15%, mula sa dating 28%. —sa panulat ni John Riz Calata