Bumaba ng 25% ang tiwala ng mga Pilipino sa bakuna para sa mga kabataan, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa ulat ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), ibinabala nito na may kabuuang 67 milyong bata ang hindi nakatanggap ng pagbabakuna sa pagitan ng 2019 at 2021.
48 milyon anila sa mga ito ay hindi nakatanggap ng isang solong regular na bakuna, na may tag na “Zero-dosis.”
Maliban dito, ipinakita rin ng UNICEF na ang Pilipinas ang pangalawang pinakamataas sa East Asia at Pacific region, sa wala ng tiwala sa bakuna para sa mga bata at ikalima ring pinakamataas sa buong mundo.
Sa ngayon, sa kabila ng ulat ay binigyang-diin pa rin ng UNICEF ang pangkalahatang suporta para sa mga bakuna, at inihimok sa mga Pilipino ang patuloy na pagtangkilik dito.