Tumaas ang tiwala ng mga Pilipino sa China at Russia habang nabawasan naman ang mga nagtitiwalang Pinoy sa Estados Unidos.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng SWS o Social Weather Stations sa harap ng patuloy na pakikipagmabutihan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa naunang dalawang bansa.
Batay sa survey, mula sa negative 33 percent na trust rating ng mga Pinoy sa China noong Setyembre ng 2016 ay umakyat na ito sa positive 9 noong Disyembre ng nakaraang taon.
Habang sa Russia naman, tumaas sa positive 9 percent ang mga nagtitiwalang Pinoy mula sa dating negative 4.
Samantala, bumaba naman positive 70 percent ang trust rating ng mga Pinoy mula sa dating positive 77.
Matatandaang maka-ilang beses na binanatan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos dahil sa pagkwestyon ng naturang bansa sa kampanya kontra iligal na droga at tumataas na kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
By Ralph Obina