Nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng kontrobersiyang kinakasangkutan ni Uson.
Ayon kay Roque, hangga’t pinagkakatiwalaan ni Pangulong Duterte si Uson ay hindi ito masisibak sa puwesto gaya na lamang ng ibang miyembro ng gabinete.
Dagdag pa ng tagapagsalita, lahat sila umano ay nakapaglilingkod batay sa kagustuhan at pagtitiwala ng Pangulo.
Samantala, nakiusap naman si Uson sa media na tigilan na siya dahil wala umano siyang balak tumakbo o anumang ambisyon sa pulitika.
Magugunitang pinalagan ni Kris Aquino ang pinost na video ni Uson tungkol sa yumaong ama nito na si dating Senador Ninoy Aquino matapos ang kontrobersiyal na halik ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa South Korea.
—-