Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na paghabol sa mga tiwaling district engineers at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang panibagong babala ay kasunod na rin nang pagsasapubliko ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na nasibak sa serbisyo dahil sa korupsyon at iba pang paglabag da tungkulin.
Binigyang diin ng Pangulong Duterte na hindi pa siya tapos sa pagwawalis sa mga tiwali sa DPWH na nakakalungkot aniya dahil ang iba sa mga ito ay kaibigan pa niya.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya kailangan ang mga magta trabaho sa gobyerno na walang alam at maglulustay lamang ng pera ng taumbayan.
Kakaunting panahon na lamang aniya ang natitira sa kanyang termino at gugugulin niya ito sa pag0alis sa serbisyo ng mga hindi karapat dapat mag serbisyo sa gobyerno.
Sinasabing mayruong mga proyektong hindi natapos na itinago muna kayat nasuspinde ang mga opisyal na may hawak ng proyekto.