Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na tuloy-tuloy ang aksyon hinggil sa mga tiwaling Pulis na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr., ito’y kasunod sa pagkakaaresto sa dalawang Pulis sa Makati dahil sa pangongotong.
Batay sa datos, simula Hulyo a-1 hanggang Disyembre a-7 pumalo sa 1,211 ng pulisya ang may ibat-ibang kaso.
279 naman ang natanggal sa serbisyo, 79 ang na-demote, 472 ang suspendido at 381 ang pinatawan ng kaparusahan.
Tiniyak ni Azurin na hindi nila kukunsintihin ang mga maling gawain ng mga Pulis. —sa panulat ni Jenn Patrolla