Hinimok ng World Health Organization o WHO ang Pilipinas na tiyakin ang kaligtasan ng kalusugan laban sa COVID-19 ng mga healthcare workers.
Ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, kulang pa rin ang mga hakbang para protektahan ang mga frontline healtcare workers ng bansa.
Pinaalala ni Abeyasinghe na napakalaki ng papel ng mga healthcare worker ngayong panahon na ito dahil sila ang nagtatrabaho para mapangalaagan ang kalusugan ng mas nakararami.
Batay sa pinakahuling datos, mayroon nang 965,960 medical frontliners ang nakatanggap na ng first vaccine dose habang nasa 198,534 naman ang nakakumpleto na ng second dose.
Sa kabuuan mayroong 1.7 milyong health workers sa buong Pilipinas.