Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na tiyakin na sapat ang bilang ng healthcare workers sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Takeshi Kasai, isa ang Pilipinas sa mga nakararanas ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Western Pacific Region.
Binigyang-diin din ni Kasai ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na bilang ng healthcare workers at sapat na mga kagamitan.
Sinabi pa ni Kasai na ang lockdown ay hindi epektibo sa pagtugon sa tumataas na kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico