“50-50″ ang tiyansa na makalulusot si DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Ito ang inihayag ni Senador Manny Pacquiao, Chairman ng Committee on Environment and Natural Resources.
Ayon kay Pacquiao, magdedesisyon ngayong araw ang CA kung ico-confirm ba o hindi ang kalihim.
Matatandaang hinaharang ng sektor ng pagmimina ang kumpirmasyon ni Lopez matapos ipasara ang halos tatlumpung (30) minahan sa bansa.
Samantala, itinanggi ng Senador na may kinalaman siya sa ulat na itinutulak ng political party ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang appointment ni Atty. Mark Kristopher Tolentino sa DENR.
Inaasahang madedesisyunan na ngayong araw ang appointment ni Lopez sa nakatakdang botohan ng CA members ngayong umaga.
By Meann Tanbio
Tiyansa ni Secretary Lopez “50-50”—Pacquiao was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882