Inilunsad ng isang telecommunications company o telco ang isang bagong broadband category para sa komunidad: ang TMBayan Fiber WiFi.
Ito’y upang magkaroon ng access ang bawat Pinoy sa mabilis at maaasahang internet connection at magsisilbing karagdagang paraan ng Globe upang kumita ang mga sari-sari stores at iba pang establisimiyento na magsisilbing connectivity hub.
Nabatid na sa pamamagitan ng TMBayan Fiber WiFi ay malayo ang mararating ng mababang halaga kung saan sa halagang P20, may access na sa reliable internet sa loob ng 12 oras.
Sinasabing bahagi ito ng pangako ng telco na makapaghatid ng mga produktong pangkomunikasyon gaya ng fiber na labis na kailangan sa mga panahon ngayon.
Maliban dito, sinusuportahan din ng serbisyong ito ang hangarin ng pamahalaan na palaganapin ang internet access sa Pilipinas lalo na sa masa.
Iba’t ibang plataporma ang ginagamit ng Globe gaya ng mobile data, home WiFi, at prepaid fiber WiFi, para matugunan ang layuning ito.
“Para matugunan ang tinatawag na digital divide sa bansa, ginagawan ng Globe ng paraan na ma-access ng lahat ang mabilis na fiber internet. Hindi sapat ang pag-aalok ng mga abot-kayang promo at mataas na GB allocation. Ang TMBayan Fiber WiFi ay idinisenyo para maging pinaka-accessible na Fiber plan sa merkado ngayon. Madali nang makararanas ng first world internet ang mas maraming Pilipino para sa pag-aaral, raket, video streaming, online gaming at mga bonding moments kasama ang mga kaibigan at pamilya para sa GV na kailangan nila araw-araw,” pahayag ni Globe At Home Brand Management Head Janis Legaspi-Racpan.
Ayon kay Legaspi-Racpan: “Pinagsasama-sama ng TMBayan Fiber WiFi ang network strength ng Globe at accessibility ng TM para maihatid ang fiber-strong brand of connectivity ng Globe sa mas maraming Pilipino. Layon namin na magkaroon ng mga TMBayan sa buong bansa, para ang lahat ay maka-access ng maaasahang internet connection, ” dagdag niya.
Ang maganda aniya rito sa TMBayan Fiber WiFi, maaaring maging WiFi hotspots na may unlimited at affordable connectivity ang mga sari-sari store, town plaza, community center at iba pang lugar kung saan ang karamihan ay nagtitipon-tipon.
Isa pa, pagkakataon din ito para palakasin ng mga sari-sari-store ang kanilang mga negosyo habang nagsisilbing paboritong tambayan ng komunidad.
Kasabay nito, nangako rin ang telco na magbibigay ito ng #1stWorldNetwork sa mga Pinoy kaya naglaan ang kompanya ng P89 bilyon sa pagpapalawak at pagpapahusay ng network ngayong taon.
Nagdaragdag din ito ng mga fiber asset at cell sites, nag-a-upgrade ng mga tower sa 4G/LTE, at naglulunsad ng teknolohiyang 5G.
Bisitahin ang website ng Globe para sa karagdagang kaalaman tungkol sa TMBayan Fiber WiFi.