Pinagsusumite ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga Transport Network Companies (TNC) tulad ng Grab at Uber ng updated master list ng kanilang mga accredited driver hanggang ngayong Biyernes, Hulyo 28.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng LTFRB, makatutulong ang master list para malaman kung kailangan nilang maglagay ng limitasyon sa kung ilang oras lamang dapat nag-o-operate ang nabanggit na Transport Network Companies.
Pinuna ng LTFRB na tig-mahigit dalawampung libo (20,000) ang sasakyang tumatakbo sa Uber at Grab, gayong batay sa pag-aaral ay nasa 12,000 hanggang 15,000 lamang ang demand para rito.
- Meann Tanbio