Pinagmulta ng Philippine Basketball Association (PBA) si TNT coach Chot Reyes at team manager na si Jojo Lastimosa.
Kasunod ito ng pagsugod ng dalawa sa mga game official matapos ang pagkatalo ng kanilang koponan laban sa Magnolia Hotshots sa iskor na 94-92, na ginanap sa Araneta Coliseum nito lamang Miyerkules.
Umabot sa ₱50,000 ang naging multa ni Reyes habang ₱20,000 naman ang naging multa ni Lastimosa.
Ayon sa PBA, nilabag umano ni Reyes at Lastimosa ang patakaran ng liga na nagsasabing bawal lumapit sa technical group table o makipag-usap sa mga opisyal sa gitna ng kanilang laban.