Nasungkit ng TNT Katropa ang unang panalo kontra San Miguel Beermen sa kanilang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup Finals, 104-102.
Nanguna sa panalo ng TNT si Roger Pogoy na nakapagtala ng 27 points, habang nag-ambag naman ang kanilang import na si Joshua Smith ng 21 points at siyam (9) na rebounds.
Kumamada naman si Jayson Castro ng 14 points, nine (9) rebounds at 10 assists, habang mayroong 13 points si RR Garcia.
Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa unang quarter hanggang nahabol ito ng Katropa at lumamang sila pagtapos ng second quarter 56-51.
By Meann Tanbio
Photo: PBA Images