Maglalaban sa unang pagkakataon ang TNT Tropang Giga at Magnolia sa PBA Philippine Cup Finals matapos noong 2014 Commissioner’s Cup.
Ayon sa mentor ng TNT na si Chot Reyes, 50-50 ang kanilang tyansa laban sa koponang Magnolia.
Aniya, tinapos ng koponang TNT ang San Miguel sa game 7 habang pinatalsik ng koponang magnolia ang grupo ng Meralco sa game six ng semi-finals, dahilan upang itakda ang kanilang pagsasagupa.
Matatandaang tinalo ng TNT ang Magnolia sa iskor na 83-76, sa kanilang unang paghaharap sa eliminasyon noong Setyembre 5. —sa ulat ni Airiam Sancho