Pursigido ang TNT katropa na sikwatin ang 3 – 1 lead sa 2021 PBA Philippine Cup finals kontra Magnolia hotshots.
Hindi natitinag ang TNT at handang resbakan ang Magnolia sa kanilang paghaharap sa game 4 ng best of seven series sa Don Honorio Ventura gym sa Bacolor, Pampanga, mamayang ala-6 ng gabi.
Aminado si TNT Coach Chot Reyes na kasado na ang kanilang preparasyon para sa inaasahang dikdikang aksyon.
Kumpiyansa naman si Hotshots Coach Chito Victolero na hangga’t nakatutok sila sa kanilang sistema at depensa, tiyak na maitatabla nila ang kartada sa 2 – 2.
Bagaman sumungkit ng panalo ang Magnolia noong linggo sa score na 106 – 98, liyamado pa rin ang Tropang Giga sa kartadang 2 – 1.—sa panulat ni Drew Nacino