Pinasali sa ensayo ng Gilas Pilipinas si Talk n’ Text rookie Moala Tautuaa.
Si Tautuaa ay pansamantalang ipinalit kay naturalized player Andray Blatche.
Ayon kay Gilas Coach Tab Baldwin, magsisilbing back up lamang si Tautuaa sakaling hindi payagang makasali si Blatche sa FIBA Olympic qualifying rounds sa susunod na taon.
Nagpasalamat si Baldwin kay Tuatuaa na kaagad tumugon sa kaniyang tawag samantalang natuwa rin ang Fil Tonggan player dahil nakasama niya ang mga dating kasamahan sa Gilas team mates sa Williams Jones Cup .
By Judith Larino