Tinalo ng Talk n Text Tropang Giga ang Magnolia Hotshots sa pagsisimula ng 47th season ng PBA Philippine Cup.
Sa score na 78-72, pinangunahan ni Troy Rosario ang panalo ng TNT makaraang makapagtala ng double-double 22 points at 10 rebounds.
Nag-ambag naman si Jayson Castro ng 16 points at 6 assists, 5 points si Poy Erram para sa Tropang Giga.
Naganap ang opening game sa Smart Araneta Coliseum, kahapon.