Wagi sa Game 1 ng 2022 PBA Philippine Cup finals ang TNT Tropang Giga laban sa San Miguel Beermen sa iskor na 86-84.
Nanguna sa panalo ng koponan si TNT veteran Jayson Castro na kilala bilang “Mr. Hero” matapos na muling maghatid ng tagumpay sa Tropang Giga.
Nabatid na lumamang pa ang Beermen sa una, ikalawa at ika-apat na quarter pero bumawi ang Giga at nilampaso ang kanilang kalaban sa ikatlong quarter na nagresulta naman sa kanilang pagkapanalo.
Ayon sa Tropang Giga, ang buzzer-beater din ni Castro ang nagsalba sa kanilang team sa PBA semis laban sa Magnolia Hotshots dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.