Nasungkit ng TNT Katropa ang 1-0 lead sa kanilang best-of-five semifinals series laban sa Meralco Bolts sa PBA Governors’ Cup.
Walang awang pinadapa ng Katropa ang kanilang sister team nang maisukbit ang 113-95 victory sa kanilang series opener.
Kumamada si Asian Import Michael Madanly ng 22 points habang tumipa si Rookie of the Year candidate Troy Rosario ng 16 markers para sa katropa.
Nagpasabog din si Mychal Ammons ng 15 points habang nag-ambag ng 14 points si Jayson Castro at 12 markers naman mula kay Ranidel de Ocampo.
Gitgitan ang labanan sa unang dalawang quarter pero mas nanaig sa third quarter ang katropa hanggang sa fourth quarter ng laro.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: PBA Images