Wagi ang TNT laban sa San Miguel sa game 3 ng final series sa PBA Commissioners Cup sa iskor na 115-105.
Dahil sa bagong panalo ay lamang na uli ang TNT sa kartadang 2-1.
Hindi nagpatinag si Ka-tropa import Terrence Jones sa tila psychological warfare ng Beermen at pinangunahan nito ang panalo ng koponan sa ginawang 37 points.
Target ng TNT ang 3-1 lead sa game 4 sa Linggo para isang panalo na lang ay tuluyan nang masungkit ng kampeonato.