Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang dagdagan ang buwis sa mga produktong tobacco ngayong linggo.
Ayon kay Finance undersecretary Karl Kendrick Chua, nasa Office of the President na ang naturang panukala matapos itong ipasa ng kongreso noon pang 17th congress.
Nakatakda itong mag-lapse into law sa Sabado.
Sa oras na maging batas, itataas sa P45 ang buwis na ipapataw sa sigarilyo mula sa kasalukuyang P35.
Maliban dito, madadagdagan din ang buwis na ipapataw sa mga e-cigarettes.