Inaaasahang mararatipikahan ng mababa at mataas na kapulungan ang panukalang batas para sa mas mataas na excise tax sa sigarilyo bago magsara ang 17th congress.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, health advocate na nagsusulong sa Tobacco Excise Tax, agad ring ipinadala ng senado sa mababang kapulungan ang kopya ng ipinasa nilang panukalang batas.
Sinabi ni Leachon na nauna nang nagpahayag ng kahandaan si House Speaker Gloria Arroyo na i-adopt na lamang ang bersyon ng senado upang mabilis na mapagtibay ang panukala bago magsara ang 17th congress at maisabatas ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Biyernes, June 7, nakatakda ang sine die ng ika-17 kongreso.
Kaya po ‘yan po ang commitment, ho. I think the sign that the executive secretary Salvador Medialdea na nando’n ay yun ho ay isang simbolo para ho sabihin natin na talaga hong aayusin nila ho ito, they will fix it. And hopefully mapirmahan ng president this week kung na-review na lahat. Basta’t ang importante daw ho ay mapirmahan ng senado’t congress. At kahit mapirmahan ng president within 30 days, walang kaso ‘yun basta tapos ho ‘yung trabaho sa lehislatura ho.” pahayag ni Leachon.
Ratsada Balita Interview