Itinanggi ng Muntinlupa City PNP na naging malambot ang Oplan Tokhang na isinagawa nila sa Ayala Alabang subdivision.
Ipinaliwanag ni Senior Supt. Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa PNP, ‘Modified Oplan Tokhang’ ang napagkasunduan nilang ipatupad sa mga malalaking subdivisions dahil wala naman silang hawak na watchlist na tulad ng gamit nila sa pagpili ng kakatuking tahanan sa mga mahihirap na lugar.
Inamin ni Salvador na ang kinakatok nilang tahanan ay depende sa rekomendasyon ng kanilang guide na mula sa Homeowners Association ng Ayala Alabang.
Bahagi ng pahayag ni Muntinlupa City PNP Chief Sr./Supt. Nicolas Salvador
Samantala, duda si Salvador kung mayroong kusang susukong drug user mula sa mayayamang subdivisions.
Ayon kay Salvador, kalimitan ay kusang loob naman na ipinapasok sa rehabilitasyon ng mga may kaya sa buhay ang kanilang kaanak na drug user.
Bahagi ng pahayag ni Muntinlupa City Chief Sr./ Supt. Nicolas Salvador
By Len Aguirre | Ratsada Balita