Kinundena ng Human Rights Watch (HRW) ang anito’y tokhang style campaign ng gobyernong Duterte laban sa Insurgency.
Ayon kay HRW Senior Researcher Carlos Conde, mas lalong lalabag sa karapatang pantao ang gobyerno sa paggamit nito ng mala tokhang o drug war na paraan sa counter insurency campaign nito.
Sinabi ni Conde na gagamitin ng gobyerno ang nasabing kampanya sa target nitong mga personalidad na laban sa pamahalaan at palalabasin o aakusahang nakikipag kutsabaan sa mga komunista.
Kayat asahan na rin aniya ang pagbabahay bahay ng mga otoridad maging ang pagbisita ng mga ito sa mga tanggapan ng mga aktibista at kunwari’y papakiusapang itigil na ang pag suporta sa mga komunista.
Binigyang diin pa ni Conde na ang nasabing tokhang style campaign na nangyayari na sa Cordilleration Region at lalawigan ng Laguna ay recipe para sa mas marami pang Human Rights Disaster.