Bibigyan ng Philippine National Police o PNP ng mas mahigpit na seguridad ang mga ‘Tokhanger’ na magsasagawa ng pagbabahay–bahay sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, aarmasan ng mga long firearm ang security ng mga pulis.
Paliwanag ng PNP Chief, ito ay bilang paniguro sakaling maging bayolente ang mga kakatuking target ng Tokhang.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na sakaling hindi humarap ang mga may–ari ng kakatuking bahay ay hindi nila ito pipiliting humarap.
Batay sa bagong guidelines, walang operasyon ng Oplan Tokhang tuwing gabi at sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Isasagawa ng mga pulis ang operasyon tuwing Lunes hanggang Biyernes lamang ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.