Nagtapos na ang 2020 Tokyo Olympics sa Japan.
Sa “restrained” closing ceremony, kaunting atleta lamang ang lumahok bilang bahagi pa rin ng health at safety protocol dahil sa COVID-19 pandemic.
Pinangunahan nina Tokyo Governor Yuriko Koike at International Olympic Committee President Thomas Bach ang seremonya kung saan kanilang i-tinurn-over ang Olympic flag kay Paris Mayor Anne Hidalgo na susunod na host sa summer games sa 2024.
Samantala, nanguna sa medal tally ang USA na mayroong 39 gold; China, 38 gold habang pangatlo ang host nation Japan, na may 27 gold medals.
Ang 2020 Tokyo Olympics naman ang naging pinaka-makasaysayan para sa pilipinas matapos sumikwat ng apat na medalya sa pangunguna ng olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa weightlifting;
Mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na kapwa may silver at Eumir Marcial na may bronze.—sa panulat ni Drew Nacino