Sinalubong ng mga taga – Toledo City sa Cebu ang taong 2018 na lubog sa tubig baha.
Ito’y dahil sa walang patid na pag-ulan sa lugar bunsod ng umiiral na tail-end of a cold front.
Dahil dito, hindi na umabot ang maraming Cebuano sa tradisyunal na media noche dahil naistranded ang mga ito.
Ayon sa PDRRMO, nasa 500 indibidwal ang nailikas habang wala namang naitalang nawawala at nasawi sa naturang pagbaha.