Naniniwala si Senator Francis Tolentino na wala siyang nilabag na batas kaugnay sa pagsusuot ng toga na may watawat ng Pilipinas bilang bahagi ng kanyang pagtatapos sa Columbia Law School sa New York City noong May 16.
Sa ilalim ng Section 34 ng Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, ipinagbabawal ang pagsusuot ng watawat ng bansa bilang bahagi ng costume o uniporme.
Sa isang pahayag, iginiit ni Sen. Tolentino na ang batas sa Pilipinas ay hindi naaangkop sa ibang bansa.
Inihalimbawa rin ng Senador ang mga atleta ng bansa na nagsusuot ng watawat ng Pilipinas sa kanilang damit bilang pagkilala.