Naniniwala si Senador Francis Tolentino na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang appointment bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee na tututok sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.
Aniya, isang mahalagang tungkulin ang pagiging co-chair ng naturang ahensya at kailangan ay mayroong dahilan ang bise presidente kung hindi nito tatanggapin ang posisyon.
Kailangan may mas mahalagang dahilan po siya doon na mas mataas pa sa pangangailangan ng ating sambayanan, pero naniniwala ako na tatanggapin niya ‘yan dahil nakapahalagang tungkulin ‘yan,” ani Tolentino.
Dagdag pa ni Tolentino, ang naturang appointment ay paraan ng pagpapakita ng pangulo ng kaniyang sinseridad at pangangailangan ng pagtutulungan para masugpo ang ilegal na droga sa bansa.
Nagpapakita po ito ng sinseridad ng ating mahal na pangulo at nagpapakita rin po siguro na talagang kailangan lahat ang kamay, kailangan lahat ang kooperasyon para masalungat, malabanan itong giyera kontra droga,” ani Tolentino. —sa panayam ng Ratsada Balita