Hiniling ni Senadora Leila De Lima sa Senate Electoral Tribunal o SET na i-cite for contempt si Presidential Political Adviser at 2016 Senatorial Candidate Francis Tolentino.
Sa inihaing mosyon ng abogado ni De Lima na si Atty. Teddy Rigoroso, nakasaad na ang kanilang basehan ay ang ginawang pagtalakay ni Tolentino sa media ng merito ng election protest na inihain nito kaugnay sa halalan noong nakaraang taon.
Giit ng kampo ni De Lima, layunin anila ni Tolentino ay ang linlangin ang publiko at ang tribunal.
Ang tinutukoy ni De Lima ay ang naging pahayag ni Tolentino kaugnay sa recount na ginagawa ng SET kung saan natuklasang may 2013 election ballots sa loob ng mga ballot boxes mula sa Calbayog City, Western Samar.
Kinuwestiyon din ni Tolentino ang mga zero votes na nakuha niya sa mga lugar sa Maguindanao, Basilan at Tawi-Tawi.
(Ulat ni Cely Ortega – Bueno)