Ibinalik na ng skyway management sa dating sistema ang pangongolekta ng toll para sa mga sasakyan mula Alabang, Sucat at Bicutan.
Ito ay matapos ulanin ng batikos ang kanilang bagong pamamaraan ng toll collection makaraang magdulot ito ng matinding daloy ng trapiko noong mga nakalipas na araw sa nasabing lansangan.
Ayon sa Skyway O & M Corporation, bagaman sinubukan nilang maibsan ang naging epekto ng transition hindi pa nila maipatutupad ng tuluyan ang bagong Sistema.
Magugunita na noong Lunes ay sinimulan ng Skyway ang bagong sistema sa pangongolekta ng toll ngunit nagdulot ito ng purwisyo sa maraming motorista.
Dalawang beses dapat tumigil ang mga motorista kung saan unang magbabayad sa toll gate at matapos nito ay kailangan namang iwanan ang slip na may QR code sa isa pang toll gate sa gitna ng Skyway.
—-