Iminungkahi ni anakalusugan Rep. Mike Defensor ang pag-aangkat ng 2 kumpanyang nagpapatakbo sa expressways ng COVID-19 vaccines para sa kanilang toll collectors at iba pang frontline personnel.
Ito’y bilang pagsuporta sa panawagang ipagpaliban ng 3 buwan ang implementasyon ng cashless at contacless toll fee collection system dahil sa mga aberyang kinakaharap nito.
Ayon kay Defensor, layon ng cashless transaction na maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga motorista pati na rin sa mga toll collectors.
Ngunit ngayon na hindi pa 100% maayos ang sistema nito at nakikita ang pangangailangan pa ng panahon, mapipilitang ibalik ang operasyon ng cash sa mga toll.
Mapapawi naman ang pangamba ng mga motorista at toll collectors kung papayagan ang tollway operators na makapag- import ng bakuna sa lalong madaling panahon.
Sa ganito umanong paraan ay mapoprotektahan ang publiko laban sa banta ng COVID-19 habang inaayos pa ang problema sa RFID.