Nakaambang tumaas ng toll fee sa CAVITEX o Manila –Cavite Toll Expressway.
Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board o TRB ang dalawang rate adjustments na inihain ng Metro Pacific Investments Corporation, ang kumpanyang may hawak sa CAVITEX.
Ayon kay MPIC Group Legal Counsel Atty. Ricardo Pilares III, piso hanggang tatlong piso ang ipatutupad na taas sa toll fee ng mga class 1 hanggang class 3 vehicle na dadaan ng R-1 Expressway o Seaside hanggang Zapote, Las Piñas.
Aniya, epektibo ang taas singil sa toll fee oras na magpalabas ng notice to start collection ang TRB.
Dagdag ni Pilares, gagamitin sa widening o pagpapalawak ng R-1 expressway at pagtatayo ng Marina Bay Flyover ang mga makokolekta mula sa toll fee hike.