Tuloy ang toll holiday.
Ito ay matapos magpasya ang Valenzuela City Government na huwag i-lift ang suspension order sa business permit ng NLEX Corporation.
Sa naging pag-uusap ng magkabilang panig nagpasya kapwa ang city government at NLEX na tatapusin muna ng NLEX ang pag-upgrade sa kanilang sistema hanggang January 2021.
Tinututukan sa pag-uusap ang matinding trapiko na idinulot ng RFID cashless payment sa Valenzuela City at kalapit na lugar nitong mga nakalipas na araw.
Nais ni Mayor Rex Gatchalian na alisin ng NLEX ang toll barriers nito na hindi na kailangan sa cashless payment scheme.
Iginiit ni Gatchalian na inefficient ang NLEX corporation sa pagpalit nito sa digital cashless system.